On suitcase and abusive taxi drivers

May 17, 2008 · Print This Article

I was reading the other night a post from Chuvaness about the taxi driver who charged her more than what she expected. I never thought that it will happen on me too. This morning around 5a.m. I arrived in NAIA from the Hopia Wonderland. I told my mother not to fetch me at the airport. Hassle naman for her kase manggagaling pa sha from Tagaytay. So I asked my two sisteraka if they can fetch me and I will just leave my things at their place na lang in Manila since I will go back there tomorrow with Tifa.

 

So, I arrived na nga and we went outside the airport to look for a cab dahil nga dollar rate sa loob ng airport. May napara na kami so sakay na and pagod na din sa byahe and puyat pa. Hindi pa naman kami nakakalayo naalala ko ang METRO! So, I asked manong driver kung inopen na nya ang metro. Hindi daw. Sira-siraan daw ang metro nya so he just gave us this laminated paper for the rate from NAIA to Quirino near Taft Ave. nawala ang antok naming tatlo dahil tumataginting na $20!!! Huuwwwwaaaatttt?!?!?!?DOLLAR!! eh hindi nga kagandahan ang taxi nya at walang aircon. Right then and there I told him to stop the car and we will get off. I told him na wala akong dollar na ibabayad sa kanya at hindi naman aabutin ng ganong halaga from airport to our place. Nakakainit ng ulo. HIndi pa nya kami ibinaba at humirit pa ang lolo nyo na P500.00 na lang daw kung ayaw namin ng $20. And I told him NO DEAL! Ibaba na nya kami bago pa magdilim ang paningin naming tatlo. Umiinit na din kase ulo ng aking mga shopatid at inaaway na si manong driver. They’re telling him na nakarating nga daw sila ng airport na P110.00 lang binayaran tapos maniningil sha ng ganon to think wala naman shang “prangkisa”. Eto nga pala plate nummber nya: TVE 924. I already reported him sa LTFRB. So, si manong driver, ibinaba na kami at sa madilim na lugar pa near airport. We have no choice but to wait fo another cab. So, mega para na naman si atashi.

 

Then, may nakuha na kaming cab and I told manong driver 2 na i-metro nya. So pumayag naman sha, dahil parang pagalit na yata ang boses ko. :) OK naman sha at ibinaba nya ang metro nya. Kaya lang, panay ang parinig na ambunan naman daw sana namin sha ng dolyares. At eto pa ang ka lerkey na hirit ni manong driver 2, “sana naman ambunan nyo ko ng dollar o lapad. malaki naman yata ang kita nyo sa mga hapon o arabo. san ba kayo sa dalawa?” at eto na lang din ang nasabi ko. “wala sa dalawa. manong, ganyan ba talaga dapat ka garapal?!” The taxi driver charged us P90.00 from NAIA to Quirino. Pero parinig pa din ng parinig. Naman! Kainis! Hindi naman porke may malaking maleta na dala at nasa may airport eh ma-anda na. di ba?! Kalerkey tong mga taxi driver na to. Gusto ko kayong balatan at patakan ng kalamansi.

« An open letter for my Mom · Shanghai Oceanarium Experience »

Comments

3 Responses to “On suitcase and abusive taxi drivers”

  1. malen on May 18th, 2008 10:05 am

    MISMO!!!!!!!!!! di ba…kakabwiseeeeeeet! Anak ng tokwa talaga yang mga taxi drivers na yan!!!! sa davao, exact price talaga parang jeep may panukli ang mga drivers! takot sa mayor…sana manahin ng mga taga manila

  2. Antipatika on May 19th, 2008 9:34 am

    naku girl, sa tigas ng mukha ng ibang taxi driver sa manila malabong mamana nila yun. kahit yata mag novena tayong lahat. :)

  3. andrewPelago on May 19th, 2008 3:28 pm

    Naku, Mare. Ang saklap naman ng naging sitwasyon nyo… Naiimagine ko na ang mga facial expression at ang pagtaas ng kilay… Haha! Sana kinurot mo nalang sila gamit ang nail cutter. Nyahaha! Huwelcome back sa magulong Pilipinas! =)

Got something to say?